Kanina habang naglalakad ako sa kalsadang kinalakihan ko, naalala ko yung kabataan ko, yun bang panahon na wala kang pakialam sa mundo na ang gusto mo lang ay maglaro ng maglaro hanggang matuyuan ng pawis tapus yung tipong kapag uwian na sa school agad na pumapasok sa utak mo ay umuwi magbihis at maglaro kasama ang mga kababata mo, naalala ko pa maraming sikat na larong pang kalsada nun na palagi naming nilalaro tulad ng tumbang presos, patintero, bamsak, tagu-taguan, turumpo, teks, pog, taching ng laruan, taching ng tansan, agawan panyo, matinik, luksong baka, dr. kwak kwak at ang sikat na sikat na langit at lupa, wow sarap balikan ang pagka bata, ang sarap maging bata muli. Isa pa sa mga masasarap balikan yung tipong naglalaro ka tapus bigla kang madadapa syempre bata ka iiyak tatawagin si nanay tapus papagalitan ni nanay dahil sa sobrang pasaway, namimiss ko rin yung mga pagkakataon na sa sobrang saya mong naglalaro sa kalsada eh di mo namamalayan na gabi na pala tapus susunduin ka ng nanay mo na may dalang sinturon hahahaha, sarap talaga maging bata muli.
Sa panahong kasalukuyan halos wala na akong makitang mga batang naglalaro sa kalsada, nasan sila? nasa computer shop naglalaro ng mga computer games ang ilan naman nasa kanilang bahay gamit ang mga makabagong teknolohiya tulad ng laptop, psp, i-phone at iba pa para libangin ang mga sarili. Subukan mong tanungin yung ibang bata kung alam ba nila yung mga larong 'bamsak', 'agawan panyo' 'patintero' sigurado ako ang ilan hindi alam ito at kung alam man siguro nila to marahil naririnig lang nila sa mga nakakatanda sa kanila pero hindi nila alam laruin ng tama ito pati rules and regulation di nila alam panigurado, nakaka lungkot isipin pero ayan ang totoo.
Nakita ko kung paano binago ng teknolohiya ang panahon, araw araw, buwan buwan, taon taon may mga bagong nai-imbensyon, naglaro ako ng mga pang larong pinoy nung elementary ako tapus pagpasok ko ng high school nauso yung internet at mga lan games naglaro ako ng counter strike, nba live at iba pang nakakaaliw na laro sa computer tapus pagpasok ko ng college sobrang nauso talaga yung larong dota kaya nilaro ko din, kung tatanungin mo nga ngayon yung mga bata kung ano mas gusto nilang laruin kung computer games ba o yung mga pang larong pinoy malamang agad agad nilang issasagot 'syempre computer games' ayan yung tinatawag na ebolusyon, hindi lang panahon ang binago ng teknolohiya pati ang buhay nating mga tao binago rin.
Lahat naman ng bagay dito sa mundo nagbabago ika nga ang permanenteng bagay lang dito sa mundo ay ang pagbabago, sobrang nakakalungkot lang talagang isipin na sa sobrang pagkahumaling ng mga bata sa mga computer games at ibat ibang makabagong teknolohiya di malabong mangyari sa pag lipas ng panahon ang mga kinagisnan nating kulturang larong pang pinoy nung kabataan natin eh tuluyan ng mabura sa isipan mga susunod pang henerasyon.